Pinas Forum

Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan - Amado V. Hernandez


Member

Status: Offline
Posts: 10
Date:
Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan - Amado V. Hernandez
 


Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan

 

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag moy lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana moy busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malakiy may libangan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyoy pampahirap, sa banyagay pampalusog:
Ang lahat mong kayamanay kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaay sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukboy nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuhat ang laya moy nakaburol.

May araw ding ang luha moy masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikalay lalagutin mo ng punglo!



__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard