Pinas Forum

Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: Rizal: Liham para sa Kababayang Dalaga sa Malolos


Member

Status: Offline
Posts: 7
Date:
Rizal: Liham para sa Kababayang Dalaga sa Malolos


SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS
Sulat ni Jose Rizal

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal; ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua (tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo, magbuñga ma'y walang katas.

Ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na dí kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling ñg nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala. Dí masasabi ñg punó ó parí na sila lamang ang mananagot ñg maling utos; binigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí malayá, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip?

Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay. Ang kamangmañgan'y, kamangmañgan at dí kabaita't puri. Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin, paningniñgin at gamitin. Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at masasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?" Ñguni't dí lubhang masisisi ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay totoong masamá ang daan.

Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa sariling bait; sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palaló ang nagdidiosdiosan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng DIOS; at sakdal kapalaluan ó kataksilan ang walang gawá kundí pagbintañgan ang Dios ng balang bukang bibig at ilipat sa kanya ang balá niyang nasá, at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ng Dios. Dí dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kundí magtanong, makinig sa iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid; ang habito ó sutana'y walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadadayá kungdí ang mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isang habito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. Kapalaran na kung pagka pag habito ay hindí magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salitá sa iba.

Liniñgin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturó sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios ó ang pangaral ni Cristong panglunas sa hirap ñg mahirap, pangaliw sa dusa ñg nagdudusa. Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo'y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandilá, corea at iba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalagang gatasang hayop, ó paris ng pinatatabang baboy kayá, na dí pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí maipagbili ng lalong mahal at ng lalong masalapian.



-- Edited by pinoy at 05:05, 2008-07-03

__________________


Newbie

Status: Offline
Posts: 2
Date:

English Translation of Rizal's Letter to the Young Women of Malolos
Source : Life and Works of Rizal by Gregorio Zaide

Priests offer themselves as our so-called "spiritual fathers" as if the spirit or soul had any father other than God. You know that the will of God is different from that of the priest; that religiousness does not consist of long periods spent on your knees, nor in endless prayers, big rosaries, and grimy scapulars, but in spotless conduct, firm intentions and upright judgment.

Saintliness does not consist in abjectness, nor is the successor of Christ to be recognized by the fact that he gives his hand to be kissed. Christ did not give the kiss of peace to the Pharisees and never gave His hand to be kissed. He did not cater to the rich and vain; He did not mention scapulars, nor did he make rosaries, or solicit offerings for the sacrifice of the mass or exact payments for his prayers.

Saint John did not demand a fee on the River Jordan, nor did Christ teached for gain. Why, then, do the priests now refuse to stir a foot unless paid in advance? And, as if they were starving, they sell scapulars, rosaries, belts, and other things which are nothing but schemes for making money and a detriment to the soul; because even if all the rags on earth were converted into scapulars and all the trees in the forest into rosaries, and if the skins of all the beasts were made into belts, and if all the priests of the earth mumbled prayers over all this and sprinkled oceans of holy water over it, this would not purify a rogue or condone sin where there is no repentance.

Ignorance has ever been ignorance, and never prudence and honor. God, the primal source of all wisdom, does not demand that man, created in his image and likeness, allow himself to be deceived and hoodwinked , but wants us to use and let shine the light of reason with which he has so mercifully endowed us. He may be compared to the father who gave each of his sons a torch to light their way in the darkness, bidding them keep its light bright and take care of it, and not put it out and trust to the light of the others, but to help and advice each other to find the right path. They would be madmen were they to follow the light of another, only to come to a fall and the father could scold them severely and say to them : "Did I not give each of you his own torch?"; but he could not answer if the fall were due to the light of the torch of him that fell, as the light might have been dim and the road very bad.

Prudence does not consist in blindly obeying any whim of the little tin god, but in obeying only that which is reasonable and just, because blind obedience is itself the cause and origin of those whims, and those guilty of it are really to be blamed. The priest can no longer assert that they alone are responsible for their unjust orders, because God gave each individual reason and a will of his or her own to distinguish the just from the unjust.

I do not expect to be believed simply because it is I who am saying this. What I ask of all is to reflect on what I tell him, think it over and sift it carefully thru the sieve of reason. May you in the garden of learning gather not bitter, but choice fruit, looking well before you eat because on the surface of the globe all is deceit, and the enemy sows weeds in your seeding plot. Consider what is behind the masses, novenas, rosaries, scapulars, images, miracles, candles, belts, etc., etc. Consider well what kind of religion they are teaching you. I shall gladly accept the usual reward of all who dare tell our people the truth.

__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard