Pinas Forum

Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: Dasalan at Tocsohan - Marcelo H. Del Pilar


Newbie

Status: Offline
Posts: 2
Date:
Dasalan at Tocsohan - Marcelo H. Del Pilar


Ang Tanda

Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya naua.



Pagsisisi

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalacay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.;



Ang Amain Namin

Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.

Ang Aba Guinoong Baria

Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bukod ka niyang pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nand Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.



Ang Aba Po Santa Baria

Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.

Ang Manga Utos Nang Fraile

Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat. Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos. Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama't ina, Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang libing. Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua. Ang ikapito: Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua. Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari. Itong sampong utos nang Fraile'I dalaua ang kinaoouian. Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya naua.


Ang manga kabohongang asal, ang pangala'i tontogales ay tatlo.


Igalang mo Katakutan mo Ang Fraile At Pag Manuhan mo ..

__________________
abe


Member

Status: Offline
Posts: 5
Date:

Wow! Galing ito sa La Solidaridad? Ang galing, ah batman.gif

__________________


Member

Status: Offline
Posts: 6
Date:

Baka sa Diariong Tagalog ito. Sa tingin ko, ang mga sulat ni Marcelo sa La Solidaridad dapat nasa espanol kasi iyon ang pinabas nila sa europa. Ang Diariong Tagalog yata ang ginamit nila sa maynila.

__________________


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date:

A translation of Ang Amain Namin (Our Father) -

Our Father,
go back to the convent,
cursed be thy name;
thy incomparable greed begone;
thy throat be slit on earth
as it should be in heaven.

Give us back our daily bread
thou taketh away from us everyday
and make us laugh as thou laughs
when thou taketh it away from us.
Lead us not into thy temptations
and deliver us from thy foul tongue.

Amen.


-- Edited by bang at 06:21, 2008-07-04

__________________


Member

Status: Offline
Posts: 15
Date:

faust wrote:

Ang Tanda

Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya naua.

. . . . .

Ang manga kabohongang asal, ang pangala'i tontogales ay tatlo.

Igalang mo... Katakutan mo ang Fraile... At Pag Manuhan mo .



And here's a translation of the above - sorry, but this one is kinda bad, I think... and I may come back in the future to fix it.


The Sign

Over our corpses, make the sign of the cross on the face and
pray for us, our Priest, our God,

In the name of the Money, White M
eat, and the Holy Pimp.

. . . . .

All this is chicanery that teaches 3 things.

Honor thy Priest... fear him... and kiss his hand.



-- Edited by bang at 06:37, 2008-07-04

__________________


Member

Status: Offline
Posts: 5
Date:

Other great Filipino writer-revolutionaries, like Graciano Lopez-Jaena and Marcelo H. Del Pilar, did not use the formal/polite/non-confrontational Filipino writing style that Rizal often adapted, nor were they subtle in expressing their sentiments towards the Catholic church.

It is in honor of Marcelo H. Del Pilar that our association of journalists and writers call themselves Samahang Plaridel, Plaridel being Marcelo H. Del Pilar's nom de plume.

__________________


Newbie

Status: Offline
Posts: 3
Date:

as i know po ung dasalan at  tocsohan ay di po nalathala sa dyaryo nila.. isang maliit na booklet po un na katulad ng pinamamahagi ng mga prayle nuong kasagsagan ni m.h. del pilar. ginaya nya ang pabalat ng mga booklet na pinamimigay ng mga prayle ng mga panahong iyon para makapamahagi siya ng ayus..yun po ang sabi ni Prof. Daniel Anciano na prof ko ng Phil. History.. un po pagkakaintindi ko.. sana ala mali.. hehe.. una comment ko to. ta now lang ako nakareg

__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard