Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian ng rumaragasang agos ng dagatan; Kung alalahanin ang damping marahan halik sa noo ko ng hanging magaslaw ito'y naglalagos sa 'king katauhan lalong sumisigla't nagbabagong buhay
Kung aking masdan ang liryong busilak animo'y nagduruyan sa hanging marahas habang sa buhangin dito'y nakalatag ang lubhang maalon, mapusok na dagat Kung aking samyuin sa mga bulaklak kabanguhan nito ay ikinakalat ang bukang liwayway na nanganganinag masayang bumabati, may ngiti sa lahat.
Naalaala kong may kasamang lumbay ang kamusmusan ko nang nagdaang araw Kasama-sama ko'y inang mapagmahal siyang nagpapaganda sa aba kong buhay. Naalaala kong lubhang mapanglaw bayan kong Kalambang aking sinilangan sa dalampasigan ng dagat-dagatan sadlakan ng aking saya't kaaliwan
Di miminsang tumikim ng galak sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag Mababakas pa rin yaong mga yapak na nag-uunahan sa 'yong mga gubat sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat ang mga dasal ko'y laging nag-aalab habang ako nama'y maligayang ganap bisa ng hanging mo ay walang katulad.
Ang kagubatan mong kahanga-hanga Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha sa iyong himlayan ay wala nang luha wala nang daranas ni munting balisa ang bughaw mong langit na tinitingala dala ang pag-ibig sa puso at diwa buong kalikasa'y titik na mistula aking nasisinag pangarap kong tuwa.
Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw dito'y masagana ang saya ko't aliw ng naggagandahang tugtog at awitin siyang nagtataboy ng luha't hilahil Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin ang katauhan ko'y dagling pagsamahin tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin sa pananagana ng bukong nagbitin.
Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat ako'y magbabantay, walang paghuhumpay ang kabutihan mo na sa aking pangarap Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap ng dakilang Diwa ng maamong palad; tanging ikaw lamang panatang maalab pagdarasal kita sa lahat ng oras na ikaw ay laging manatiling tapat.
When I recall the days That saw my childhood of yore Beside the verdant shore Of a murmuring lagoon; When I remember the sighs Of the breeze that on my brow Sweet and caressing did blow With coolness full of delight;
When I look at the lily white Fills up with air violent And the stormy element On the sand doth meekly sleep; When sweet 'toxicating scent From the flowers I inhale Which at the dawn they exhale When at us it begins to peep;
I sadly recall your face, Oh precious infancy, That a mother lovingly Did succeed to embellish. I remember a simple town; My cradle, joy and boon, Beside the cool lagoon The seat of all my wish.
Oh, yes! With uncertain pace I trod your forest lands, And on your river banks A pleasant fun I found; At your rustic temple I prayed With a little boy's simple faith And your aura's flawless breath Filled my heart with joy profound.
Saw I God in the grandeur Of your woods which for centuries stand; Never did I understand In your bosom what sorrows were; While I gazed on your azure sky Neither love nor tenderness Failed me, 'cause my hapiness In the heart of nature rests there.
Tender childhood, beautiful town, Rich fountain of hapiness, Of harmonious melodies, That drive away my sorrow! Return thee to my heart, Bring back my gentle hours As do the birds when the flow'rs Would again begin to blow !
But, alas, adieu! E'er watch For your peace, joy and repose, Genius of good who kindly dispose Of his blessings with amour; It's for thee my fervent pray'rs, It's for thee my constant desire Knowledge ever to acquire And may God keep your candour!