Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa, Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.
A poem, found in Rizal's book Noli me tangere, sung by Maria Clara, which accounts for the title
Sweet are the hours in one's own Native Land, All there is friendly o'er which the sun shines above; Vivifying is the breeze that wafts over her fields; Even death is gratifying and more tender is love.
Ardent kissed on a mother's lips are at play, On her lap, upon the infant child's awakening, The extended arms do seek her neck to entwine, And the eyes at each other's glimpse are smiling.
It is sweet to die in one's own Native Land, All there is friendly o'er which the sun shines above; And deathly is the breeze for one without A country, without a mother and without love.
Dulces las horas en la propia patria Donde es amigo cuanto alumbra el sol, Vida es la brisa en sus campos vuela, Grata la muerte y mas tierno el amor !
Ardientes besos en los labios juegan, De una madre en el seno al despertar, Buscan los brazos a cenir al cuello, Y los ojos sonriense al mirar.
Dulce es la muerte por la propia patria, Donde es amigo cuanto alumbra el sol; Muerte es la brisa para quien no tiene Una patria, una madre y un amor!