Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal, O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay, At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw, Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay, Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglay Ng abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan.
Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa, Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na, Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya, At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang estatuwa, Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya.
Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway Ang buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw, Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay Ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!" Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan, Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan.
At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga, At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga, Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.
At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas, Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas, Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.
Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol, Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon, At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom, Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon.
Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin, Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw, Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling, Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim; Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin.
At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog, Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot, Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos.
Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay, Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang pumanaw, Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang yaman, Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay; Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.
Go to my country, go, foreign flowers, Planted by the traveler on his way, And there beneath that sky of blue That over my beloved towers, Speak for this traveler to say What faith in his homeland he breathes to you.
Go and say. . . say that when the dawn First drew your calyx open there Beside the River Neckar chill, You saw him standing by you, very still, Reflecting on the primrose flush you wear.
Say that when the morning light Her toll of perfume from you wrung, While playfully she whispered, "How I love you!" He too murmured here above you Tender love songs in his native tongue.
That when the rising sun the height Of Kainigsthul in early morn first spies, And with its tepid light Is pouring life in valley, wood, and grove, He greets the sun as it begins to rise, Which in his native land is blazing straight above.
And tell them of that day he staid And plucked you from the border of the path, Amid the ruins of the feudal castle, By the River Neckar, and in the silvan shade. Tell them what he told you As tenderly he took Your pliant leaves and pressed them in a book, Where now its well worn pages close enfold you.
Carry, carry, flowers of Rhine, Love to every love of mine, Peace to my country and her fertile loam, Virtue to her women, courage to her men, Salute those darling ones again, Who formed the sacred circle of our home.
And when you reach that shore, Each kiss I press upon you now, Deposit on the pinions of the wind, And those I love and honor and adore Will feel my kisses carried to their brow.
Ah, flowers, you may fare through, Conserving still, perhaps, your native hue; Yet, far from Fatherland, heroic loam To which you owe your life, The perfume will be gone from you; For aroma is your soul; it cannot roam Beyond the skies which saw it born, nor e'er forget
Id a mi patria, id, extrangeras flores, sembradas del viajero en el camino, y bajo su azul cielo, que guarda mis amores, contad del peregrino la fe que alienta por su patrio suelo! id y decid ... decid que cuando el alba vuestro caliz abrio por vez primera cabe el Neckar helado, le visteis silencioso a vuestro lado pensando en su constante primavera. Decid que cuando el alba, que roba vuestro aroma, cantos de amor jugando os susurraba, el tambien murmuraba cantos de amor en su natal idioma; que cuando el sol la cumbre del Koenigsthul en la manana dora y con su tibia lumbre anima el valle, el bosque y la espesura, saluda a ese sol aun en su aurora, al que en su patria en el cenit fulgura ! y contad aquel dia cuando os cogia al borde del sendero, entre ruinas del feudal castillo, orilla al Neckar, o a la selva umbria. Contad lo que os decia , cuando, con gran ciudado entre las paginas de un libro usado vuestras flexibles hojas oprimia.
Llevad, llevad, oh flores ! amor a mis amores paz a mi pais y a su fecunda tierra, fe a sus hombres, virtud a sus mujeres, salud a dulces seres que el paternal, sagrado hogar encierra ...
Cuando to queis la playa, el beso os imprimo depositadlo en ala de la brisa, por que con ella vaya y bese cuanto adora, amo y estimo.
Mas ay llegareis flores, conservareis quizas vuestras colores, pero lejos del patrio, heroico suelo a quien debeis la vida: que aroma es alma, y no abandona el cielo, cuya luz viera en su nacer, ni olvida.